Kanlungan ng Kahapon
Pana-panahon ng pagkakataon… Maibabalik ba ang
kahapon?!?
Natatandaan mo pa ba? Nung tayong dalawa’y unang
nagkita…
Panahon ng kamusmusan, sa piling ng mga bulaklak
at halaman doon tayo nagsimula… mangarap at
tumula…
Natatandaan mo pa ba? Inukit kong puso sa punong
mangga
At ang inalay kong gumamela, magkahawak kamay sa
dalampasigan, malayang tulad ng mga ibon…
ang gunita ng ating kahapon…
Ang mga puno’t halaman ay kabiyak ng ating
gunita..
Sa paglipas ng panahon, bakit kailangan ding
lumisan?!
Pana-panahon ng pagkakataon… Maibabalik ba ang
kahapon?!
Ngayong ikaw ay nagbalik, katulad ko rin ang
iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan, tahanan ng ating
tula at pangarap..
Ngayon ay naglaho na… saan hahanapin pa?!
Lumilipas ang panahon… kabiyak ng ating gunita,
Ang mga puno’t halaman… Bakit kailangan lumisan?!
Pana-panahon ng pagkakataon… Maibabalik ba ang
kahapon?!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home